Naghahanda na rin ang Bureau of Immigration (BI) para sa posibleng abala sa trapiko ng inagurasyon ni President Elect Ferdinand Bongbong Marcos Jr.
Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente tatlong araw na ipatutupad ang skeleton workforce na nagsimula na kahapon.
Aniya, ito ay bunsod sa pagsasara ng ilang kalsada at traffic rerouting ng MMDA na nagsimula alas-12 ng madaling araw ng Hunyo 26 bilang bahagi ng security measures para sa inagurasyon ni PBBM.
Ayon kay Morente, ang nasabing direktiba ay naaayon sa Civil Service Commission (SC) memorandum sa alternative work arrangements.
Siniguro naman ni morente na ang serbisyo ay mananatili sa kabila ng schedule adjustment.