Ibinabala ng US Navy ang posibleng “arms race” sa South China Sea na maaaring maging mitsa ng mas malawak na kaguluhan sa Asya.
Ito’y bunsod ng patuloy na paglaki ng defense expenditure ng mga bansang sangkot sa agawan ng teritoryo ng China, Japan, Pilipinas, Vietnam at Taiwan.
Hinimok ni US Pacific Fleet Commander, Admiral Scott Swift, ang mga bansang may territorial dispute lalo ang Tsina na tumalima sa international law upang maresolba ang agawan sa teritoryo at maiwasan ang posibleng pagsiklab ng digmaan.
Bagaman iniakyat ng Pilipinas sa United Nations International Arbitrary Court ang issue ng territorial dispute sa Spratly Islands, hindi naman kinikilala ng China ang kapangyarihan ng nasabing korte.
By Drew Nacino