Ipapaubaya na sa susunod na administrasyon kung lilikha ng panibagong ahensiya kapalit ng Inter Agency Task Force o itutuloy lang nito ang kasalukyang structure task force.
Ayon kay DOH undersecretary Myrna Cabotaje, naghihintay lamang sila ng direktiba mula sa Marcos administration sa pamamagitan ng itatalaga nitong bagong kalihim.
Ani Cabotaje, handa umano silang i-turn over ang lahat ng mga dokumento na may kinalaman sa COVID response ng Duterte administration.
Maliban dito, preparado na din sila na magbigay ng detalyadong impormasyon sa kung sinoman ang susunod na health secretary na magsisilbing overall in charge sa pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic.