Patuloy na mino-monitor ng PAGASA ang isang tropical depression na nasal abas pa ng PAR o Philippine Area of Responsibility at papalapit na sa bansa.
Ayon sa PAGASA, ang nasabing tropical depression ay pinakahuling namataan sa layong mahigit 1,500 kilometro Silangan ng Mindanao.
Sinabi ng PAGASA na taglay ng nasabing bagyo ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 45 kilometro kada oras at may pagbugso na umaabot sa 60 kilometro kada oras.
Ang nasabing bagyo ay unit-unting kumikilos pa-Kanluran Hilagang Kanluran.
Ipinabatid pa ng PAGASA na ang naturang sama ng panahon ay inaasahang papasok sa PAR ngayong gabi o bukas ng umaga at papangalanan itong ‘Dante’.
By Judith Larino