Posibleng magkaroon ng bawas-singil sa kuryente ngayong Enero hanggang Pebrero.
Ayon kay Energy Regulatory Commission Chairperson at Chief Executive Officer atty. Monalisa Dimalanta, ito’y bunsod ng ikinakasang refund ng Meralco sa kanilang mga konsyumer.
Bunsod anya ang nasabing refund ng sobrang nasingil nito mula 2022 hanggang 2024 na nagkakahalaga ng 16 billion pesos.
Gayunman, iginiit ni Chairperson Dimalanta na hanggang sa ngayon ay hindi pa naghahain ng kanilang petition for refund ang Meralco.
Nakikitang dahilan ng opisyal kaya hindi pa nakakaghain ng petisyon ang Meralco ay dahil hindi pa nila ganap na naisasaayos ang rate reset na siyang kanilang prayoridad sa unang anim na buwan ng taon.
Binigyan-diin ng ERC Chief na kinakailangan ng maitakda ang rate reset lalo pa’t magtatapos na ang termino ng dalawang commissioner nito ngayong taon. – Sa panulat ni Kat Gonzales