Inihayag ni Energy Regulatory Commission (ERC) Chairman Agnes Devanadera na sapat ang suplay ng kuryente sa pangangailangan ng publiko.
Ito ay kasunod ng posibilidad na magkaroon umano ng brown-out sa araw ng halalan.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Devanadera na pinangangalagaan sa ngayon ang mga planta na huwag huminto sa mga operasyon.
Dagdag pa niya na mayroong nakahandang hakbang o preventive measures ang mga planta lalo na sa darating na halalan. —sa panulat ni Airiam Sancho