Tiniyak ng Pambansang Pulisya ang kanilang kahandaan laban naman sa posibleng cyber attacks.
Inihayag ito ni PNP Chief Dir. Gen. Ricardo Marquez bagama’t batid nilang hack proof ang sistema ng Commission on Elections (COMELEC).
Kaniya nang inatasan ang PNP Anti-Cybercrime Group upang tutukan ang mga posibleng manabotahe o baguhin ang resulta ng botohan sa mga vote counting machine.
Magsasama sila ng ilang eksperto mula sa Department of Science and Technology o DOST para maging bahagi ng kanilang paghahanda ang cyber security.
Ginawa ni Marquez ang pahayag sa harap na rin ng kontrobersya hinggil sa nangyaring hacking sa account ng Bangladesh Central Bank sa US Federal Reserve sa New York.
By Jaymark Dagala