Nagpaliwanag ang PHIVOLCS sa posibleng dahilan nang pagkawala ng tubig sa lawa ng Taal at sa Pansipit River.
Ipinabatid ng PHIVOLCS na nag vaporize ang tubig dahil sa pagtulak ng magma paakyat ng bulkan.
At dahil sa pag-akyat ng magma, patuloy na yumayanig at umaalsa ang lupa kaya’t naaantala ang natural na agos ng tubig at naiipon ito sa mabababang bahagi ng lawa.
Sinabi pa ng PHIVOLCS na posible ring mayroong underwater fissure o bitak sa ilalim ng Taal Lake na naging dahilan nang pagtagas ng tubig.
Ang mga nasabing aktibidad ng bulkan anito ang dahilan kaya’t hindi pa rin ligtas bumalik sa mga lugar na apektado at kasama sa 14-kilometer danger zone mula sa Taal Volcano.