Maaaring hindi kampante si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ilang mga miyembro ng National Security Council.
Ito ang nakikitang dahilan ng Political Analyst na si Professor Edmund Tayao kung bakit ni-reorganisa ng pangulo ang nasabing konseho, na tumatalakay sa usaping pansiguridad ng bansa.
Kaugnay nito, ipinaubaya na ni Prof. Tayao sa publiko kung paano babasahin ng taumbayan ang naging desisyon ng pangulo na repasuhin ang listahan ng mga kasapi sa NSC.
Nabatid na kabilang sa mga inalis na miyembro nito ay sina Vice President Sara Duterte at ilang dating pangulo ng Pilipinas. – Sa panulat ni john Riz Calata