Pinaiimbestigahan sa Kamara ang umano’y posibleng dayaan sa bidding para sa itatayong Kaliwa dam sa Infanta Quezon at Rizal.
Batay sa report ng Commission on Audit (COA), dinaya ang bidding para tiyak na mapupunta ang proyekto sa isang Chinese construction company na China Energy Engineering Corporation Limited.
Ayon kay Rizal 2nd dist. Rep. Fidel Nograles, sadyang nagpatalo ang dalawang kalabang bidders dahil kitang-kita aniya na hindi ito mga kwalipikado.
Ngunit mariing itinanggi ito ng metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).
Sinabi ni MWSS administrator Emmanuel Salamat, batay sa mga hawak nilang dokumento makikitang sinunod nila ang proseso.
Mahigit P18B ang ilalaan para itayo ang naturang dam.