Isinailalim sa assessment ng Department of Energy o DOE ang posibleng naging epekto sa suplay ng kuryente ng mga lugar na naapektuhan ng 6.4 na lindol sa Eastern Samar at iba pang lugar sa Visayas.
Nabatid na nawalan ng kuryente sa ilang lugar sa Northern Samar, Eastern Samar at Calbayog City.
Ngunit batay sa inisyal na impormasyon na natanggap ng kagawaran, wala namang mga planta ng kuryente sa Visayas ang napinsala ng malakas na lindol.
Sinusuri na rin ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang transmission facilities sa rehiyon.
Patuloy din ang pakikipag ugnayan ng National Electrification Administration (NEA) sa mga electric cooperatives.