Nakahanda si Senador Antonio Trillanes IV na harapin sakaling may maghain ng ethics complaint laban sa kanya.
Kasunod ito ng pahayag ni Senador JV Ejercito na napapanahon nang idulog sa Senate Ethics Committee ang pagtawag ni Trillanes sa Senado bilang lap dog ng Duterte administration.
Patutsada ni Trillanes, kung sa tingin ni Ejercito na offensive ang kanyang mga sinabi ay bakit tila wala itong nakitang mali sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa rape sa harap ng mga sundalo.
Aniya, mukhang may malaking problema sa pagtukoy kung ano ang offensive at hindi.
Una nang sinabi ni Ejercito na nakasisira na sa Senado bilang institusyon at nakakapinsala na rin sa bansa ang mga naging pahayag at aksyon ni Trillanes.
Ipinaalala ni Ejercito na bilang isang democratic institution ay idinadaan ng Senado sa debate at botohan ang pagtalakay sa mga usapin sa halip na pang-iinsulto.
Aniya, kahit hindi magkakasundo ang lahat ng Senador ay nanatili ang kanilang respeto sa isa’t isa na sana ay gawin din ni Trillanes.
By Krista de Dios | with report from Cely Bueno (Patrol 19)
Posibleng ethics complaint haharapin ni Trillanes was last modified: July 4th, 2017 by DWIZ 882