Ibinabala ng Smartmatic ang posibleng failure of elections sa darating na Mayo.
Ayon sa equipment supplier na naka-base sa United Kingdom, ito’y bunsod ng desisyon ng Korte Suprema ukol sa pag-iisyu ng resibo sa botohan.
Giit ng Smartmatic, maaaring abutin ng dalawang buwan ang pag-upgrade at pag-adjust sa mga makina na gagamitin sa eleksiyon para makapaglabas ng vote receipts.
Binigyang diin ng service provider na dahil sa prosesong ito na tinukoy sa kautusan ng mataas na hukuman ay madaragdagan ng mahigit 20 oras ang bawat cluster precinct sa darating na halalan.
By Jelbert Perdez