Pinaiimbestigahan ng isang kongresista ang maintenance contract na nai-award ng Metro Rail transit o MRT-3 sa isang Korean-Filipino joint venture.
Iginiit ni Rep. Neri colmenares na dapat busisiin ang kontrata upang mabatid kung may nakapaloob na mga probisyon para sa “hidden fare hikes.”
Una nang inanunsiyo ng pamahalaan noong isang linggo na naisara na ang 3.81-billion deal na magiging epektibo sa susunod na buwan at tatagal ng 3 taon.
Inihalimbawa ni Colmenares ang P65 billion na LRT-1 extension deal ng Department of Transportation and Communication sa Ayala-Pangilinan group kung saan may nakakubli umanong probisyon hinggil sa taas-pasahe.
By: Jelbert Perdez