Narekober ng otoridad ang dalawang motor banca sa Davao Oriental, na pinaniniwalaang ginamit ng mga suspek na getaway vehicle nang dukutin nito ang 3 dayuhan at isang Pilipina sa isang resort sa Samal Island.
Ayon kay AFP Public Affairs Chief Col. Noel Detoyato, nakita nila ang mga bangka sa bahagi ng Governor Generoso at sinasabing bago ito sa pagtingin ng mga residente.
Hindi pa matukoy ni Detoyato kung lumipat ng ibang sasakyang pandagat ang mga suspek o isinakay nalang sa sasakyang panlupa ang mga biktima.
By Katrina Valle | Jonathan Andal