Ibinunyag ng Pangulong Rodrigo Duterte ang posibleng joint oil exploration project kasama ang China sa West Philippine Sea.
Gayunman tumanggi ang Pangulo na magbigay ng detalye hinggil sa nasabing posibilidad.
Hindi rin makapagbigay ng timetable ang Pangulo kaugnay sa naturang gas and oil exploration project katuwang ang China.
Binigyang diin ng Pangulo na dapat kapwa makinabang ang Pilipinas at China sa pinag-aagawang teritoryo.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte