Winelcome ng Pilipinas ang posibleng joint naval drills sa China.
Ito ayon sa isang military official ay dahil pagkakataon ang nasabing drill para ma-verify sa China ang tunay na pakay ng konstruksyon ng man-made islands sa South China Sea.
Mas maganda aniya kung bubuksan ng China sa Philippine authorities para mabisita ang mga nasabing artificial island.
Una nang lumabas ang report na nag desisyon ang Amerika na magsagawa ng freedom of navigation operations sa loob ng 12 nautical mile limits na kini-claim ng China sa paligid ng mga islang itinayo sa mga reef sa Spratly archipelago.
By Judith Larino