Kokonsultahin ng Pilipinas ang ASEAN o Association of Southeast Asian Nations kaugnay sa panukalang magkaroon ng joint oil exploration kasama ang China sa West Philippine Sea.
Ayon ito kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na nagsabi ring hindi lamang Pilipinas ang kikilos sa usapin dahil kailangan ang kapayapaan at katatagan ng ng rehiyon.
Una nang naalarma ang mga kalapit bansa ng Pilipinas sa naging pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na nakikipag-usap na ang gobyerno sa China para sa joint drilling sa West Philippine Sea.
By Judith Larino
Posibleng joint oil exploration sa WPS ikokunsulta sa ASEAN was last modified: July 27th, 2017 by DWIZ 882