Ibinabala ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang posibleng kakulangan ng supply ng kuryente sa bansa dahil sa madalas na brownout.
Kasunod na rin ito ayon kay NGCP spokesperson Atty. Cynthia Alabanza nang inisyung red alert status sa Luzon grid kahapon.
Sinabi ni Alabanza na mayruong indikasyon nang numinipis na supply ng kuryente tuwing may brownout dulot naman ng problema sa mga power plants.
Binigyang diin ni Alabanza na ang mga nasabing shutdown ay hindi normal o ordinaryong bahagi ng maintenance and operations at hindi nagiging dahilan ng kakulangan ng power supply.
May indikasyon aniya ng malawak na problemang kailangang tugunan ang dumadalas o taunan nang nagiging problema o mga ganitong sitwasyon.