Tiniyak ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Winston Ginez na kanilang aalamin ang posibleng kakulangan sa sistema ng pagpapa-book sa mga grab taxi.
Ito ay matapos bumuhos ang reklamo dahil sa mga umano’y mapiling driver lalo na noong malakas ang buhos ng ulan nitong mga nakaraang gabi.
Ayon kay Ginez, posibleng nagmula ang pagiging mapili ng mga driver, sa incentive system ng grab taxi na naka depende sa dami ng biyahe na kanilang gagawin, kada linggo.
Samantala, siniguro din ni Ginez na kanilang binabantayan ang singil sa pasahe ng mga app-based taxis.
“Ito’y nakakabit doon sa current system ng incentives o rewards system, they set a certain minimum ride mo on a per day, on per week basis, maniwala po kayo o hindi aabot daw ang incentive ng mga 30,000 per week, hindi pa po kasama diyan ang revenue.” Pahayag ni Ginez.
By Katrina Valle | Kasangga Mo Ang Langit