Nakikipag-ugnayan na ang Commission on Elections (COMELEC) sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).
Ito’y para mapaghandaan nang maaga at mahadlangan ang posibleng karahasan sa 2022 National Elections.
Binigyang diin ng COMELEC na ang poll body ay may otoridad na magpatupad ng mga hakbangin sakaling may magtangkang gumawa ng gulo sa halalan sa susunod na taon.
Kabilang dito ang pagsasailalim sa COMELEC control sa mga lugar na may kaguluhan dahil sa eleksyon
Magugunitang, nanawagan si Pangulong Duterte na magkaroon ng mapayapa at maayos na halalan.