Nagbabala si NBN-ZTE Deal Whistle-blower Rodolfo “Jun” Lozada sa posibleng katiwalian sa pagtatag ng National Broadband Plan.
Ito’y matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing proyekto para masolusyunan ang mahinang internet connection sa bansa sa pamamagitan ng deployment ng fiber optic cables at wireless technologies.
Tinatayang aabot sa 77 Bilyong Piso ang pinakamurang magiging halaga ng proyekto.
Dahil dito, nagbabala si Lozada ng posibleng panibagong korapsyon tulad ng ibinunyag niya noon sa naunsyaming NBN-ZTE deal na kinasangkutan ng mag-asawang dating Pangulong Gloria at Mike Arroyo.
By: Meann Tanbio