Iimbestigahan ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA at Philippine National Police o PNP ang posibilidad na may koneksyon si Ibaan Batangas Mayor Juan Toreja sa nadiskubreng mega shabu lab sa nasabing lugar.
Ito ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino ay dahil napabilang si Toreja sa listahan ng mga narco-politician at ipinag-utos na tanggalan ng police power ng Department of Interior and Local Government o DILG.
“Sa 7 months na operation na ginawa namin naglalagay sila ‘yung mga chemist at mga handler nila, naglagay sila sa La Union all the while ang akala namin doon magtatayo kasi nagpahanap siguro sila ng viable place doon para magtayo ng drug lab but eventually hindi siguro nag-prosper doon kaya naghanap sila ng koneksyon, hindi natin alam baka naka-connect sila dito kay Mayor o sa ibang grupo o personalities para magtayo dito sa Ibaan.” Ani Aquino
Samantala, tiniyak ni Aquino na sa Pilipinas makukulong ang limang (5) Chinese national na naaresto sa nasabing operasyon at hindi nila ipade-deport pabalik ng China.
Ayon kay Aquino, tatlo sa nasabing mga Tsino ang tumatayong chemist, isa ang supervisor at isa naman ang kanilang handler.
“Hindi namin ipade-deport ito, dito talaga sila fa-filan ng kaso at dito makukulong sa atin, sa China wala naman tayong treaty doon so hindi natin sila puwedeng dalhin sa kanilang bansa para doon i-trial at ikulong.” Pahayag ni Aquino
(Ratsada Balita Interview)