Nagbabala ang Phivolcs kaugnay sa posibleng lahar flow sa mga lugar na malapit sa Taal Volcano at Mt. Pinatubo dahil sa pananalasa ng bagyong Dante.
Ayon kay Phivolcs OIC Renato Solidum kailangan paghandaan agad ito dahil sakaling maraming ulan na dala ang bagyo , posible ang magkaroon ng lahar at umapaw ang ilog.
Ani Solidum, mabilis ang pag-anod nito lalo’t kung tuloy-tuloy ang pagbuhos ng ulan.