Naglabas ang PHIVOLCS ng isang Lahar Advisory dahil sa Bulkang Mayon bunsod ng Bagyong Paeng.
Nagbabala ang ahensya na maaring magdulot ng volcanic sediment flow o lahar kung saan ito’y magiging maputik.
Sinabi ng PHIVOLCS sa isang advisory sa Facebook na ang malakas na pag-ulan ay maaring makabuo ng non-eruption lahar sa kahabaan ng ilog na umaagos na malapit sa bulkan.
Apektado ang mga lugar sa Miisi, Binaan, Anoling, Quirangay, Maninila, Masarawag, Muladbucad, Nasisi, Mabinit, Matanag, at Basud.
Nagbabala na ang ahensya sa mga komunidad at lokal na pamahalaan dahil panganib na dala ng Bulkang Mayon dahil sa Bagyong Paeng. —sa panulat ni Jenn Patrolla