Nagbabala ang ilang taga-oposisyon na sa susunod na survey ay posibleng lalong bumaba ang ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte partikular sa mga masang Pilipino.
Ito’y bunsod na rin ng SWS Survey mula September 23 hanggang 27 kung saan sumadsad sa plus 48 ang net satisfaction ratings ni Pangulong Duterte kumpara sa plus 66 noong Hunyo.
Naniniwala si Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano na posibleng indikasyon ng pagbaba ng suporta ng taumbayan sa war on drugs ang pagbagsak ng ratings ng Pangulo.
Dahil dito, maaaring sa susunod ay lumagpak ng husto ang ratings ng punong ehekutibo mula sa class D o masang Pilipino dahil mga mahirap ang karaniwang nagiging biktima ng kampanya kontra iligal na droga.