Pinag aaralan ngayon ng tanggapan ni Senator Risa Hontiveros ang posibleng legal na hakbang laban sa nagpapanggap na si Senator Hontiveros sa pag order ng pagkain online.
Ayon kay Hontiveros ang balak nilang legal action ay para sa kapakanan ng mga local business at mga riders na maaaring mabiktima ng mga gumagawa ng pekeng order online.
Ayon kay Hontiveros ito ay bagong modus ng mga gustong manira sa kanya.
Kawawa naman anya ang mga negosyante, mga empleyado, at mga delivery riders na na-a-agrabrayado sa ganitong klase ng modus.
Una rito may nagpanggap na si Senator Hontoviros, nag-order ito ng large lechon na nagkakahalaga ng P18,300 kasama na delivery charge kung saan ay naka address ito sa tanggapan ng Senadora. —sa ulat ni Cely Ortega Bueno (Patrol 19)