Inihayag ng isang eksperto na posibleng ma-flatten ang curve ng coronavirus disease 201(COVID-19) bago matapos ang Agosto kung palalawigin pa ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila.
Ayon kay Dr. Guido David ng UP Institute of Mathematics, pababa na ang trend ng mga bagong test results habang nakatutulong ang MECQ sa pangyayaring ito.
Gayunman, sinabi ni David na malaki pa rin ang posibilidad na pumalo sa 200,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa sa katapusan ng kasalukuyang buwan