Posible umanong maapektuhan ang tiwala ng publiko sa gagawing COVID-19 vaccination program ng pamahalaan ang ginawang pagpapabakuna ng mga sundalo at ilang opisyal ng gobyerno.
Sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na malaki ang posibleng maging implikasyon ng naturang hakbang lalo na at wala pa namang aprubadong bakunang maaaring gamitin sa bansa.
Kinuwestiyon naman ni Senador Francis Pangilinan ang tila pagkakaroon ng palakasan dahil sa unang nabakunahan ang mga sundalo at ilang opisyal ng gobyerno kaysa mga medical frontliners at senior citizen na higit na nangangailangan proteksyon laban sa nakahahawang sakit.
Iginiit naman ni Sen. Imee Marcos na dapat ay walang gulangan sa COVID-19 vaccine at sa halip ay sundin ang itinalagang prayoridad kung saan batayan kung sino ang pinaka peligroso sa virus.