Posibleng maraming mawalan ng trabaho sa oras na hindi umepekto ang “win-win” proposal para tugunan ang problema sa end of contract o endo scheme.
Ito ang ibinabala ni Trade Secretary Ramon Lopez sa gitna ng pagtutol ng ilang employer at labor groups sa naturang mungkahi.
Ayon kay Lopez, dapat tanggapin ng mga employer ang nabanggit na proposal upang maiwasan ang pagkawala ng mga trabaho.
Sa ilalim ng “win-win” proposal, gagawing regular na empleyado ng mga recuitment agency ang mga manggagawa, sa halip na ang mga kumpanyang kumukuha sa kanilang serbisyo ang magreregular sa kanila.
Gayunman, tinutulan ito ng partido manggagawa at iginiit na hindi ang mga recruitment agency ang dapat magsagawa ng regularisasyon sa halip ay ang kumpanyang pinapasukan ng mga manggagawa.
By: Drew Nacino