Posibleng mas malaki pa sa 50,000 piso ang hinihingi ng mga tiwaling opisyal ng Bureau of Corrections sa pamilya ng mga mayayamang inmates.
Ayon ito kay Senador Riza Hontiveros matapos ihayag ni Yolanda Camelon sa pagdinig ng Senado sa GCTA Law na pumayag na ang ilang taga BuCor sa 50,000 piso dahil sinabi niya aniyang ito lamang ang kaniyang kaya para makalaya ang asawa niya.
Sinabi ni Hontiveros na malaki ang posibilidad na higit pa sa 50,000 piso ang maaaring nakukuha o nakuha ng mga opisyal ng BuCor sa pamilya ng mga mayayamang bilanggo para lamang makalaya ang mga ito.
(with report from Cely Ortega- Bueno)