Sisilipin ng Department of Labor and Employment o DOLE ang mga posibleng paglabag ng NCCC Mall sa nangyaring sunog sa Davao City.
Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na kanya nang inatasan ang Occupational Safety and Health Center sa Davao City para tignan kung mayroong naging pagkukulang ang nasabing mall.
“Relatively new ang building na yan. We want to assume na nasunod nila ang mga requirement sa pagtatayo ng building, patung-patong na kaso ito kung may makita tayong kapabayaan.” Ani Bello
Nabatid na tatlumpu’t pitong (37) katawan ang narekober ng mga awtoridad mula sa nasunog na gusali.
Dagdag pa ni Bello, inatasan na rin niya ang mga local officials ng DOLE na magbigay ng tulong at employment program para sa mga apektadong manggagawa na sa ngayon ay hindi pa nakakapasok at nakakabalik sa kani-kaniang trabaho sa nasabing mall.
—-