Walang karapatan ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na hingan ng lisensiya o motor vehicle registration sa mga COMELEC checkpoint.
Ito’y ayon kay Special Field Investigator Jess Cañete ng Commission on Human Rights o CHR bilang reaksiyon sa pahayag ni Negros Oriental Provincial Police Office Director Sr. Supt. Harris Fama.
Paliwanag kasi ni Fama, sinisita ang mga motorista dahil sa gun ban at anti-criminality campaign ng pulisya.
Subalit nagbabala si Cañete na kung may intelligence report ang PNP O AFP ay dapat itong humingi ng search warrant sa korte.
Giit ng CHR official, hindi maaaring gawing basehan ng paninita o panghuhuli ang Republic Act 4136 o ang Land Transportation Code dahil lalabas na labag ito sa batas.
COMELEC
Inamin ng isang opisyal ng Commission on Elections na protektado ng Saligang Batas ang mga motorista laban sa iligal na panghuhuli kahit sa mga COMELEC checkpoint.
Ginawa ni Dumaguete City Election Officer Atty. Gildu Agoncillo ang pahayag sa isang forum sa lalawigan ng Negros Oriental.
Ayon kay Agoncillo, maaari naman umanong tumanggi ang mga motorista na ilabas ang kanilang lisensya at rehistro ng sasakyan.
Pero, nilinaw ng opisyal na kung wala namang itinatago ay dapat makipag-cooperate na lamang ang motorista sa mga awtoridad lalo pa’t mga kriminal lamang at private armed groups ang target na hulihin.
Paliwanag naman ni Agoncillo, lalong paiigtingin ang pagpapatupad ng gun ban at paninita sa mga checkpoint habang papalapit na ang May 9 elections.
By Jelbert Perdez
1 comment
Good am po. Hihingi po sana ako NG tulong sa CHR taga TABACO CITY ALBAY po ako nitong January 24 2016 Linggo my COMELEC POLICE CHECK POINT po at YONG motor ng papa ko ipinaayos NG umaga NG Linggo kasi IPAPARESTRO kinaumagahan January 25 2016 at NG maayos NA po tinawagan KO yong tauhan namin na naayos NA motor at dalhin NYA NA ang motor sa centro NG tabaco kasi po yung motor sa Malinao Albay pa po namin napaayos from Malinao to Tabaco 6 km at NG mapadaan NA po yong motor NA dala NG tauhan namin hinanapan SYA NG LISENSYA at OR/CR NG motor at ng WALA po SYANG maipakitang mga dukominto tinikitan NA agad SYA NG VIOLATION NG lingo NA po yon MISMO JANUARY 24 dinala agad po NILA YUNG motor sa LTO kinabukasan po January 25 lunes pina punta namin yong TAO po namin sa LTO TABACO para makiusap PERO WALA NA din NAGAWA suma total ANG HALAGA po NG bayarin NG motor sa LTO pop 20,200+. Sir/madam,BAKA po makatulong kayo sa Amin ano po ANG nilabag NG PULIS LALO NA po iyong PULIS na nag ticket at Kinuha po NILA yong motor at yong KARAPATAN din po namin? MARAMING salamat po