Inihayag ng World Health Organization (WHO) na tumaas ng 8% ang COVID-19 cases sa buong mundo.
Kabilang sa mga nakitaan ng pagsirit ng mga kaso mula March 7 hanggang 13, ang African Region, Europe, at Western Pacific Region na may pinakamalaking porsyento ng itinaas sa mga bagong kaso, kung saan kasama ang Pilipinas.
Nakitaan kasi ng pagbaba sa COVID-19 testing output ang ilang mga bansa.
Dahil dito, ikinababahala ng WHO ang posibleng pagtaas muli ng mga kaso ng sakit.
Sa kabila nito, patuloy naman ang pagbulusok ng bilang ng mga nasasawi sa COVID-19.