Ibinabala ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. ang posibleng negatibong epekto sakaling tanggalin na ang Luzon-wide community quarantine.
Ayon kay Galvez, hindi maaaring madaliin ang pagbabalik sa normal ng pamumuhay ng mga tao sa ganitong sitwasyon.
Aniya, kailangang dahan-dahan at mabuting pinag-aralan ang bawat gagawing hakbang.
Gaya umano ng nangyari sa Singapore kung saan biglang umakyat ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa.
Nangyari pa rin aniya ito bagama’t nagsagawa ang pamahalaan ng Singapore ng mass testing at social distancing ngunit hindi umano nagdeklara ang mga ito ng enhanced community quarantine o lockdown sa buong bansa.