Posible umanong maantala ang napipintong pag-abswelto ng Korte Suprema kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Ito’y bunsod ng umano’y plano ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na harangin ang pasya ng mayorya ng mga mahistrado.
Sa ulat ng pahayagang Manila Times, sinasabing nais ni Sereno na kausapin muna ni Arroyo si Pangulong Rodrigo Duterte na huwag siyang ipa-impeach sa Kongreso.
Subalit, nagpahayag naman umano ang ilang Supreme Court justice na wala namang kakayahan si Sereno na pigilan ang desisyon dahil isa lang naman ang boto nito.
Nabatid na ang tanging magagawa lang ng Punong Mahistrado ay ihirit ang pagpapaliban sa promulgation o paglalabas ng hatol sa kaso ng dating Pangulong Arroyo.
By Jelbert Perdez