Inatasan ng pamahalaan ang Department of Energy (DOE) at Department of Trade and Industry o DTI na pag-aralan ang posibleng pag-aangkat ng produktong petrolyo sa Russia.
Paliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque, mas mababa ang bentahan ng mga produktong petrolyo sa Russia kumpara sa retail prices ng mga kumpanya ng langis sa Pilipinas.
Dagdag pa ni Roque, isa ito sa nakikita nilang paraan para hindi umaasa lagi ang Pilipinas sa organization of petroleum exporting countries na nagbebenta ng mahal na diesel products.
Sa ngayon, sinabi ni Roque na idudulog pa nila kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga negosyante na may direktang koneksyon sa Russia, na nagpapakita ng interes sa planong pag-aangkat ng murang langis para sa Pilipinas.
—-