Sinusuri na ng Federal Bureau of Investigation (FBI) at ng New York Police Department ang natanggap nilang impormasyon nang posibleng pag-atake ng terror group na Al-Qaeda sa bisperas ng eleksyon sa Amerika.
Ayon sa mga opisyal sa Estados Unidos, nakikipag-uganyan na sila sa mga imbestigador ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno para masuri ang kredibilidad ng banta.
Hindi anila ipinagsasawalang bahala ang nasabing impormasyon kung saan tinukoy ang New York, Texas at Virginia bilang posibleng target ng Al Qaeda.
Gayunman, nagtaas na rin ng alerto ang mga awtoridad sa Amerika dahil sa eleksyon.
Sa Nobyembre 9, petsa dito sa Pilipinas, kapwa magdadaos ng election day party sina Hillary Clinton at Donald Trump sa New York City.
By Jonathan Andal (Patrol 31)
Photo Credit: Reuters