Binalaan ng Mines and Geosciences Bureau ang lahat ng mga residente sa lalawigan ng Leyte sa posibleng pagguho ng lupa sa bundok at dalampasigan gayundin ang pagbagsak ng mga bato
Ito’y matapos ang isinagawang Coastal Geohazard Assessment ng Marine Geological Survey Division ng MGB bilang paghahanda sa pagpasok ng La Niña Phenomenon
Iginiit ng MGB na kailangang maabisuhan ng maaga ang mga residente partikular na sa mga bayan sa hilagang kanluran at silangang bahagi ng lalawigan upang mailayo sila sa tiyak na kapahamakan at trahedya
Lumitaw sa pag-aaral ng MGB na malaki ang posibilidad na muling magkaroon ng trahedya sa naturang lalawigan sanhi na rin ng naging epekto ng mga nagdaang bagyong Yolanda at Ruping
By: Jaymark Dagala