Dedesisyunan na ngayong weekend kung ibababa sa alert level 2 o mananatili sa alert level 3 ang Metro Manila.
Ayon kay Acting Cabinet Secretary at Presidential Spokesperson Karlo Alexei Nograles, magpupulong na ang Inter-Agency Task Force (IATF) para pag-usapan ito.
Bago sumapit ang Pebrero a-1, inaasang magkakaroon na ng desisyon ang task force kung ano ang kahihinatnan ng alert level sa Metro Manila.
Hanggang Enero a-31 nakasailalim sa alert level 3 ang Metro Manila dahil sa pagtaas ng kaso ng Covid-19.—sa panulat ni Abby Malanday