Nagbabala ng pagbaha ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa Ilocos, Cagayan Valley at Aurora.
Ayon sa PAGASA, makakaranas ng mga pag-ulan ang Ilocos Region, Cagayan Valley Region at Aurora Province dahil sa umiiral na Low Pressure Area (LPA).
Sakop ng flood advisory ng PAGASA ang mga ilog sa bayan ng Bulu, Banban, Bacarra-Vantar, Laoag at Quiaoit sa Ilocos Norte, ang mga ilog sa Abra, Silay-Sta. Maria at Buaya sa Ilocos Sur at mga ilog sa Amburayan, Barao, Lower Bauang at Aringay sa La Union.
Pinababantayan naman ang mga ilog sa Dikatayan, Divilacan at Palanan-Pinacanauan sa Isabela gayundin ang Linao, Lower Abulug, Lower Pamplona, Cabicungan, Aunugay, Baua, Palawaig at Taboan sa Cagayan.
Nanganganib ring tumaas ang tubig sa ilog ng Casiguran, Aguang at Lower Umiral sa Aurora Province.
By Len Aguirre