Pinaghahandaan na ng Department of Agriculture ang posibleng El Niño Phenomenon na maaaring maranasan ng Pilipinas gayundin ng mga bansang kasapi ng ASEAN o Association of Southeast Asian Nations.
Ito’y ayon kay Secretary Manny Piñol bunsod ng banta ng Australian Weather Bureau na posibleng maranasang muli ang El Niño mula sa huling bahagi ng taong ito hanggang sa susunod na taon.
Kabilang sa mga ginagawang paghahanda ng kagawaran ay ang pagatatatag ng small water – impounding system at solar powered irrigation systems.
Gayunman, nilinaw ni Piñol na wala pa siyang ginagawang pakikipag-ugnayan sa pagasa na siyang tumutukoy hinggil sa lagay ng panahon at nagbibigay babala hinggil sa tag-tuyot.
By: Jaymark Dagala