Hindi isinasantabi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posibilidad na mabasura ang usapang pang-kapayapaan sa pagitan ng gobyerno at komunistang grupo.
Ito’y dahil sa hindi pagkakaunawaan sa hirit ng mga rebelde na palayain ang lahat ng political prisoner.
Aminado si Duterte na nagparaya na siya sa mga komunista at katunayan nito ang pagpapalaya sa maraming rebel leader na nahaharap sa kasong kriminal.
Wala na anyang mahihiling pa ang NDF-CPP-NPA at maituturing namang kalabisan o pag-abuso sa gobyerno kung kakagat sa hirit na palayain ang lahat ng opisyal at miyembro.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Drew Nacino