Kumpiyansa si Senador JV Ejercito na maraming kapwa niya senador ang tututol na maisulong ang Charter change na magiging daan para maging prime minister si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo.
Ayon kay Ejercito, hindi sila papayag na magamit ang pagbabago ng Saligang Batas tungo sa pederalismo para lamang sa intensyong may magtagal o maiakyat ng posisyon sa gobyerno.
Naniniwala si Ejercito na kung magiging ganito lamang ang layunin ng Charter change ay hindi na ito para sa kapakanan ng taumbayan kundi pa lamang sa kapakinabangan ng iisang tao.
Una rito, ibinabala ni Senador Panfilo Lacson ang posibilidad na gawing prime minister ng Pilipinas si Arroyo.
—-