Bineberipika na ng militar kung kabilang sina Isnilon Hapilon at Omar Maute sa apat na bandidong napatay sa nagpapatuloy na opensiba laban sa ISIS-Maute sa Marawi City.
Ayon kay Col. Romeo Brawner, Deputy Commander ng Joint Task Force Ranao, napuwersa ng magtago sa mga hukay at tunnel ang mga nalalabing terorista dahil sa pinaigting na opensiba at aerial bombardment ng militar.
Inaalam na aniya nila ang pagkakakilanlan ng apat na napatay na terorista.
Dahil dito, umabot na sa mahigit 1,000 ang nasawi sa mahigit apat na buwang sagupaan kung saan pinakamarami ang nalagas sa hanay ng teroristang grupo na halos 800.
Samantala, naniniwala si Brawner na malapit nang matapos ang bakbakan sa Marawi City.
Ito aniya ay kung pagbabasehan ang mga putok na pinakakawalan ng Maute Group.
Ipinabatid sa DWIZ ni Brawner na manaka-naka na lamang ang sagot na putok ng Maute Group sa mga opensiba ng mga sundalo.
“Pumuputok pa rin sila, so it’s really very dangerous pa rin pero hindi na katulad nung dati na marami silang sagot sa ating mga putok, but as of now our forces are still trying to assault yung mga defensive positions ng kalaban, at naniniwala tayo na malapit nang matapos ang bakbakan.” Pahayag ni Brawner
(Ratsada Balita Interview)