Naghahanda na ang pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) sa posibleng pagkakaroon ng port congestion makaraang ipatupad muli ang ‘truck ban’ sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.
Ayon sa pamunuan ng BOC, epektibo pa rin ang pag-iral ng ‘yard utilization rate’ na sang-ayon sa global standard rate ng hindi hihigit sa 70%.
Mababatid na noong magsimula ang Disyembre, napanatili sa manageable level na 75% ang average yard utilization sa Manila International Container Port.
Ibig sabihin, aabot lamang sa dalawang araw, 10 oras, at tatlong minuto ang hihintayin para mailabas ang kargamento sa mga ports sa bansa.
Iginiit din ng BOC na patuloy ang kanilang koordinasyon sa shipping lines at terminal operators para masigurong hindi magkakaruon ng congestion o pagsisikip sa ilang pantalan.