Patuloy na minomonitor ng Department of Agriculture ang isang poultry farm sa Cabiao, Nueva Ecija dahil sa posibleng pagkalat ng Avian Influenza Virus o Bird Flu.
Ito’y makaraang umabot na sa 40,000 poultry birds ang pinagpapatay o isinailalim sa culling process sa naturang lugar.
Ang Cabiao ay katabi lamang ng bayan ng San Isidro kung saan 300 libong poultry birds din ang isinailalim sa culling process noong agosto.
Agad namang pinapurihan ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang farm owner at local veterinarians sa Cabiao dahil sa mabilisang pag-contain sa hinihinalang bird flu virus nang hindi na naghihintay ng confirmatory test.