Kabado na si Pangulong Rodrigo Duterte sa posibleng pagkalat sa bansa ng Omicron variant ng COVID-19.
Sa kanyang Talk to the People, inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hangga’t nagpapapasok ang Pilipinas ng mga biyahero mula sa ibang bansa ay posibleng maulit ang sitwasyon noong 2020.
Kabilang din anya sa kinakaharap na hamon ng gobyerno ang pagnipis ng kasalukuyang budget para sa COVID-19 response na sinabayan pa ng pangangailangan ng mga biktima ng bagyong Odette.
Sa tanong naman ng punong ehekutibo kay Health Secretary Francisco Duque kung kakayanin ba ng Pilipinas na harapin ang banta ng Omicron, inihayag ng kalihim na malaki ang posibilidad na malampasan ito ng bansa.