Nangangamba ang ilang reproductive health group sa posibleng pagkaubos ng supply ng contraceptives sa susunod na taon.
Ito, ayon sa Population Commission o POPCOM, ay dahil hindi pa nailalabas ng Food and Drug Administration o FDA ang resulta ng recertification process sa ilang contraceptive.
Layunin ng proseso na matiyak na ang 51 contraceptive ay hindi nagdudulot ng “pagkalaglag” ng sanggol o non-abortifacient upang maibenta na sa merkado.
Simula taong 2015 ay umabot na sa 500,000 ang nadagdag sa bilang ng mga nagbuntis dahil umano sa limitadong access sa family planning.
Oktubre 30 dapat ang deadline ng paglalabas ng resulta ng recertification ng FDA subalit wala pa 35 mula sa 51 contraceptives pa lamang ang na-recertified.
—-