Ikinababahala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posibleng paglaganap ng terorismo sa labas ng Mindanao.
Sa kanyang talumpati sa Tarlac City, inamin ni Pangulong Duterte na maaaring mahirapan ang mga tropa ng gobyerno sa pagsugpo sa karahasan sakaling maglunsad ang mga terorista ng sunud-sunod na pag-atake sa iba’t ibang lugar.
“Hypothetical, I don’t want to scare you, but if they do it in Mindanao or Visayas, simultaneously in 3 or 4 places mahihirapan tayo, it is going to be bloody, very bloody.”
Sakali anyang lumala ang tensyon ay kokonsultahin niya ang militar para sa posibleng pag-a-armas sa mga sibilyan.
Umaasa naman si Pangulong Duterte na ma-ko-contain lamang sa Mindanao ang kaguluhan.
“Kaya huwag naman sana yung ganon na malayo kayo, as of now I do not allow the purchase of heavy firearms you are only limited to a shotgun or a 22 riffle, but if hell breaks lose, then I have to consult the military and maybe I will allow you to hold the high powered guns that is a par fetch idea and I hope that the trouble there will be contained in Mindanao only.”